Cauayan City, Isabela- Humigit limang daang mga residente na nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses at malawakang pagbaha sa Nueva Vizcaya ang nabigyan ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa datos ng nasabing ahensya, umaabot sa P1,517,000 ang kabuuang halaga na naibigay sa 503 Novo Vizcayano.
Personal na iniabot ni Assistant Secretary for Operations ng Office of the President Victor Neri kasama si DSWD-FO2 Assistant Regional Director Lucia Alan ang ayuda sa mga benepisyaryo mula sa pitong bayan ng Lalawigan.
Pinakamarami na may benepisyaryo ang bayan ng Solano na may bilang na 232 at may kabuuang halaga na P696,000.00.
Sumunod ang bayan ng Dupax del Norte na may bilang na 92 benepisyaryo at may kabuuang halaga na P276,000.00.
Animnapu (60) namang benepisyaryo ang nakatanggap mula sa bayan ng Diadi na may kabuuang halaga na P184,000.00 samantalang 55 at 50 namang benepisyaryo mula sa mga bayan ng Quezon at Ambaguio ang nabahagian ng tulong na may kabuuang halaga na P162,000.00 at P156,000.00.
Dagdag dito, tig-walong (8) benepisyaryo naman ang nabigyan ng tulong pinansiyal sa mga bayan ng Kasibu at Villaverde na may kabuuang halaga na P26,000.00 at P17,000.00.