Higit P100,000 Cash Assistance, Tinanggap ng isang Former Rebel sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Umabot sa P165,000 ang halaga ng tulong pinansyal na iginawad sa isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Tabuk City mula sa Department of Interior and Local Government’s Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Ilan sa mga tinanggap nito ang halagang P15,000 cash assistance, P50,000 livelihood assistance at P100,000 para sa firearm remuneration.

Nagpasalamat naman ang dating rebelde sa Provincial at National government sa ibinigay na pagkakataon upang mapabilang siya sa Reintegration Program Assistance.


Gagamitin umano niya ang nasabing halaga ng pera upang magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Sinabi rin niya na malaking tulong ang E-CLIP ng pamahalaan para sa mga tulad niyang mas pinili ang magbagong buhay at makiisa sa gobyerno upang panatilihin ang kapayapaan at pag-unlad ng bansa.

Samantala, hinikayat naman ni Kalinga Provincial Director PCol. Davy Vicente Limmong ang iba pang miyembro ng rebelde na tulungan ang pamahalaan para sa kapayapaan.

Facebook Comments