Higit P13-M Marijuana Plants, Sinira sa Kalinga

Cauayan City,Isabela- Sinira ng pinagsanib na pwersa ng RPDEU/RID/RSOG PRO COR, RA Kalinga, Kalinga PPO,1502nd at 1503rd Coy RMFB 15 kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 67,320 fully grown marijuana plants tatlong araw na operasyon sa Barangay Buscalan and Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa ulat ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), umabot sa kabuuang P13,464,000.00 ang halaga ng sinirang marijuana sa ilalim ng OPLAN GREEN MAYO BRAVO 1/2021

Nadiskubre ang mga tanim na marijuana mula sa apat (4) na plantation sites na tinatayang nasa 6,900 square meters na sukat ng lupain.


Ayon kay PCol. Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng KPPO, kahit wala umanong naaresto ng isagawa ang operasyon ay hindi naman titigil ang mga operatiba sa pagsira ng ipinagbabawal na droga at mapanagot ang posibleng nasa likod ng malawakang taniman ng marijuana.

Maaari din umanong ipagbigay alam sa kanilang social media sites (FB: Kapulisan ng Kalinga) ang ilang maling gawain upang agad nila itong maaksyunan.

Facebook Comments