HIGIT P13M HALAGA NG RELIEF ASSISTANCE SA MGA APEKTADO NG BAGYONG UWAN, NAIPAMAHAGI NA SA ILOCOS REGION

Umabot na sa P13,399,954 ang kabuuang halaga ng food at non-food items na naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development Office Region sa mga naapektuhan ng bagyong Uwan.

Ayon sa tanggapan, katumbas ng naturang halaga ang 21,458 family food packs, 500 non-food items, at isang libong piraso ng ready-to-eat food sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.

Base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council noong November 12,ikatlo ang Ilocos Region sa buong bansa na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga apektado, na nasa 426,884 indibidwal o katumbas ng 122,044 pamilya.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief, rehabilitasyon ng mga nasirang pasilidad, at pagsasaayos sa suplay ng kuryente sa mga bayan.

Paalala ng tanggapan, anumang hinaing, komento at katanungan ay maaaring iparating sa pinakamalapit na opisina ng DSWD para sa agarang tugon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments