Pulis at apat na iba pa, arestado sa pangongotong ng P800K sa mga bumibiyaheng trak sa Apalit, Pampanga

50

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang pulis at apat na miyembro ng Truck Ban Traffic Management Office ng Apalit, Pampanga, dahil sa pangongotong.

Batay sa ulat ni IMEG Director PBGen. Thomas Frias kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, nahuli sa akto ang mga suspek sa pagtanggap ng pera mula sa isang truck driver na may kasamang undercover agent kaninang umaga sa MacArthur Highway, San Simon Exit, Apalit, Pampanga.


Ang mga naaresto ay kinilalang sina PCpl. Leomar Calegan, Marlon de Guzman, Menard Mendoza, Michael Maniulit at Noel Manarang.

Narekober sa mga suspek ang mahigit 800 libong cash na pinaniniwalaang koleksyon ng mga suspek mula sa mga truck driver na dumaan sa lugar sa magdamag.

Dinala sa IMEG-Luzon Field Unit at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713, Code of Conduct and Ethical Standards for Government Employee; at Robbery Extortion ang mga suspek.

Facebook Comments