Higit P144.8-M halaga ng tulong medikal, naipagkaloob ng PCSO sa buong buwan ng Hunyo

Aabot sa higit P144.8 milyong halaga ng tulong medikal ang naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa buong buwan ng Hunyo.

Sa ilalim ng Medical Access Program ng PCSO, nasa 19,094 na indibidwal sa buong bansa ang kanilang natulungan.

Nasa P27,395,077 na halaga ng tulong ang naibigay sa 4,266 indibidwal mula Southern Tagalog at Bicol Region habang P35,514,647 para sa 4,664 na benepisyaryo sa Northern at Central Luzon.


Natulungan din ang 2,901 katao sa National Capital Region (P34,774,250); 3,827 sa Visayas (P27,218,663) at 3,436 indibidwal sa Mindanao (P19,907,710).

Patuloy ang pagbibigay ng PCSO ng serbisyong medikal sa buong bansa.

Facebook Comments