Narekober ang nasa higit isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-drug operation sa Lingayen.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa itinuturing na High Value Individual na siyang Regional Priority Target ng pulisya.
May bigat na abot 160 gramo ang nakumpiskang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng 1,088,000 pesos.
Sumasailalim na sa imbentaryo ang mga kontrabando habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









