Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa higit P2 milyon ang halaga ng mga alagang baboy na isinailalim sa culling o pagpatay ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa buong Lambak ng Cagayan.
Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, umakyat na sa mahigit 500 baboy ang naisailalim sa culling nitong Agosto 23 batay sa pinakahuling tala ng ahensya at possible pa rin itong madagdagan.
Itinanggi naman ng opisyal ang ilang impormasyon na may nagsasailalim sa culling kahit hindi pa nasusuri ang mga baboy kung positibo nsa sakit na ASF.
Sa pinakabagong polisiya ng ahensya, ang dating polisiya na 1-7-10 kilometer radius ay ibinaba na sa 0.5km radius hangagng 10 km radius nalang.
Ang mga piggery na nasa 0.5 km radius o pinakagitna ang kailangang i-lockdown upang maiwasan ang pagkalugi ng mga nag-aalaga ng baboy.
Tiniyak naman ng DA ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong hograisers pero posibleng matagalan ang nasabing planong pagbibigay ng ayuda dahil ipoproseso pa ito.