Denver Nuggets at Utah Jazz, maghaharap sa do-or-die game sa NBA playoffs elimination

43

Isinalba nina Jamal Murray at Nikola Jokic ng Denver Nuggets mula sa NBA playoffs elimination matapos ang panalo kontra Utah Jazz sa game 5 ng kanilang best-of-seven series sa score na 117-107.

Si Murray ay nakagawa ng 42 points, walong rebounds at walong assists habang nagpasiklab si Nikola Jokic ng 31 points.

Sa kabila nito, nasa kamay pa rin ng Jazz ang kontrol sa serye dahil hawak nila ang 3-2 record.

Muling maghaharap ang dalawang koponan para sa do-or-die game 6 sa Biyernes, Agosto 28.

Facebook Comments