Higit P320 million na cash aid, naipamahagi na sa ilalim ng LTFRB Service Contracting Program

Nakapamahagi na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nasa ₱322.4 million na payout sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) drivers sa ilalim ng government service contracting program.

Kabilang sa mga ayudang ipinamahagi sa mga benepisyaryo ay ₱4,000 na initial subsidy, weekly payout at one-time incentive.

Sa datos ng LTFRB, nasa 12,315 PUV drivers sa bansa ang nakatanggap ng initial payout habang nasa 3,006 ang nabigyan ng ₱25,000 onboarding incentive mula nitong May 17.


Una nang inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magbibigay sila ng one-time incentive na 25,000 pesos sa mga driver na lumalahok sa service contracting program mula nitong April 30, 2021 habang ang mga sumali noong May 1 at sasali pa hanggang June 15 ay bibigyan ng 20,000 pesos.

Mayroon ding ₱7,000 kapag magla-log in sila sa Service Contracting Driver app limang beses sa isang linggo.

Facebook Comments