Higit P40-M halaga ng Marijuana, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Aabot sa halagang P40.78 milyon ang sinirang tanim na Mariijuana ng mga otoridad sa Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong, Tingalayan, Kalinga.

Ito ay kasunod ng paglulunsad sa ilalim ng OPLAN ‘Firefly’ mula May 6-9, 2021.

Kanilang nadiskubre ang tatlong plantasyon ng Marijuana na may kabuuang lawak na 8,900 square meters.


Pinagsusunog ng mga otoridad ang nasa 88,400 fully grown marijunana plants, 165 kilos ng dried Marijuana leaves, 15 kilos marijuana stalks at 60 kilos ng Marijuana seeds.

Wala namang napanagot sa malawak na taniman ng marijuana habang isinasagawa ang pagsira sa malawak na taniman.

📸PDEA Kalinga PO

Facebook Comments