Higit P400, itinaas sa presyo ng LPG tank

Nagbabadyang muling magkaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Liquified Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) Partylist Rep. Arnel Ty ang pagtaas ng presyo ng LPG ay bunga ng international contract price nito.

Sinabi pa nito na mula noong pinakamababang presyo noong isang taon hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa P450 ang itinaas ng isang LPG tank.


Hindi naman masabi pa sa ngayon ni Ty kung kailan muli magiging normal ang presyuhan ng LPG.

Aniya, isa ang COVID-19 pandemic sa mga factor kung bakit nagiging magalaw ang presyo sa ngayon ng LPG.

Matatandaang higit P80 na ang iminahal ng regular na tangke ng LPG ngayong Oktubre dahil sa pagtaas ng contract price nito.

Facebook Comments