HIGIT P400,000, IPINAGKALOOB SA MGA DATING REBELDE

Nasa dalawampu’t tatlo (23) dating rebelde ang nakatanggap ng nasa P460,000 na kabuuang halaga ng Livelihood Assistance na ginanap sa Provincial Conference Hall, San Isidro, Luna, Apayao, nitong ika-24 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Napamahagian ng tig-P20,000 na halaga na pang agrikultura at sari-sari store ang mga natukoy na benepisyaryo.

Bago ang nasabing pamamahagi ng ayuda, sumailalim muna sa pagtatasa at seminar ang mga dating rebelde upang matukoy ng mga ito ang nararapat sa kanilang tulong panghanapbuhay.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Lieutenant Colonel Oliver Logan, Battalion Commander ng 17IB sa pamamagitan ni Lieutenant Luckymarc Borres, Civil-Military Operations Officer ang mga benepisyaryo na gamitin ang tulong kung para saan ito.

Ang matagumpay na pamamahagi ay sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Apayao na “Sustainable Livelihood Program sa tulong na rin ng 17th Infantry Battalion.

Facebook Comments