Higit P50-B sa 2022 national budget, inilaan para pambili ng karagdagang bakuna kontra COVID-19

Prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng lahat kasabay nang patuloy na laban ng bansa kontra COVID-19.

Sa nilagdaang 2022 National budget ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglaan ng P56.3-B na pondo ang pamahalaan para sa pagbili ng mga gamot, iba pang medesina at bakuna kontra COVID-19, samantalang nasa P32.6-B naman ang inilaan para sa Health Facilities Operations Program at P48.2-B ang perang inilaan para pambili ng COVID-19 booster shots.

Kasama rin dito ang P80-B na gagamitin upang ma-subsidize ang health insurance premiums ng 13.2-M indigent families at 7.3-M na mga senior citizens.


Asahan na rin ang Health Facilities Enhancement dahil nasa P23-B ang alokasyon rito upang makapagpatayo ng mga bagong pasilidad, magagamit rin para sa pag-upgrade, expansion at procurement ng health facilities and hospital equipment.

Samantala, mapupunta naman ang P983-M sa pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines na makakatulong upang mapag-aralan ng ating mga eksperto at matugunan ang novel, emerging at re-emerging viruses sa hinaharap.

May alokasyon din mula sa pambansang pondo ang Special Risk Allowance (SRA) ng ating mga medical health workers na nagkakahalaga ng P51-B.

Facebook Comments