Higit P53-M Marijuana Plants, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Aabot sa higit P53 milyon ang halaga ng tanim na Marijuana na pinagsisira ng mga otoridad matapos itong madiskubre sa pitong plantation sites sa ginawang 2-day marijuana eradication operation sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga.

Base sa report, pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng RID/RPDEU PROCOR, Kalinga PPO, at RMFB 1503rd ang nagsagawa ng operasyon sa lugar kung saan natukoy ang 36,000 square meters na lupain na pinagtataniman ng iligal na droga.

Humigit kumulang 270,000 fully grown marijuana plants ang sinira at sinunog ng mga kinauukulan.


Ayon kay PCol. Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga Police, magpapatuloy ang pagsira sa mga plantasyon ng marijuana sa mga apektadong lugar na layong maiwasan ang ilegal na pagtatanim at pagbebenta nito sa kabila ng mahigpit na panuntunan dahil sa pandemya.

Facebook Comments