Higit P6-Milyon na Halaga ng Ayuda, Naipamahagi ng DSWD FO2

Cauayan City, Isabela- Naipamahagi na ng DSWD Field Office 2 ang ayudang nagkakahalaga ng mahigit P6-milyong piso para sa mga naapektuhang mamamayan sa buong rehiyon.

Tinatayang aabot sa 5,366 na Family Food Packs na nagkakahalaga ng ₱ 2,931,522.21 at ₱3,075,892.50 na non-food items ang naipamahagi na ng nasabing ahensya sa mga indibidwal at pamilya sa buong rehiyon na naapektuhan ng nagdaang sama ng panahon.

Patuloy naman ang repacking ng food items sa DSWD Field Office 2 bilang karagdagan sa 30, 851 FFPs na may halagang P15,674,610.96 at 10,866 non-food items na may halagang P9,608,910.60 bilang stockpiles na maaring ipamahagi anumang oras.


Samantala, patuloy naman ang ginagawang monitoring ng DSWD FO2 sa pamamagitan ng Provincial/City/Municipal Actions Teams sa kasalukuyang kalagayan ng mga Internally Displaced Persons na namamalagi sa loob ng evacuation Centers.

Ito ay upang masiguro ang kapakanan lalo ng mga senior citizens, kababaihan at mga bata.

Facebook Comments