MRT-3, nakapagtala ng mataas na bilang ng pasahero sa unang araw ng taong 2021

Nakapagtala ng mataas na bilang ng pasahero ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa unang araw ng January 2021.

Batay sa report ng MRT-3 management, naserbisyuhan nila ang aabot sa 55,727 na pasahero kahapon.

Nasa 20 tren ang inilagay ng MRT-3 sa mainline sa peak hours kahapon.


Wala ring naitalang insidente ng unloading sa pagsisimula ng taon.

Sa ngayon ay 22 tren ang napapakinabangan ng publiko kung saan may apat na minutong headway o oras ng pagitan ng pag-aantay sa susunod na tren.

Facebook Comments