Pinangunahan ni Chief of Staff Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor bilang kinatawan ni Gov. Manuel Mamba ang paghahatid ng nasabing tulong sa 29 na barangay sa nasabing bayan.
Kasama rin sa mga dumalo at tumulong sa nasabing programa sina Francisco “Franco” Mamba III, Pearlita Mabasa, ang Provincial Agriculturist, Provincial Consultant for Women and Gender and Development na si Rachel Dela Cruz, Miles Mallonga, Provincial Treasurer, Helen Donato, Provincial Social Welfare and Development Officer at ilan pang kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Umaabot sa kabuuang P6,611,050.00 na halaga ng tulong pinansyal ang naihatid at naipamahagi sa iba’t ibang barangay na sakop ng bayan ng Rizal.
Ang bayan ng Rizal ay ang huling lugar sa Lalawigan ng Cagayan na tumanggap ng “Oplan Tulong sa Barangay” para sa No Barangay Left Behind Program 2021 fund.
Samantala, namahagi rin ang grupo ng tig-P50,000 pondo sa bawat barangay para sa kanilang youth development program, honoraria sa mga Barangay foot soldiers, at papremyo rin sa mga nagwagi sa “Best Manukan at Best Gulayan” sa ilalim naman ng programang magsakabataan.