Nesthy Petecio, napiling magbibitbit ng watawat ng Pilipinas sa closing ceremonies ng Tokyo Olympics

61

Napiling magbibitbit ng watawat ng Pilipinas ang silver medalist na si Nesty Petecio sa closing ceremonies ng Tokyo Olympics bukas, August 8.

Ayon kay Chef de Mission to Tokyo Games Mariano Araneta, makakasama ni Petecio bilang flag bearer ng bansa ang iba pang opisyal at mga atleta sa closing rites ng Tokyo sa Olympic Stadium.

Kabilang sa mga ito ang mga boksingerong kinatawan ng bansa na sina Irish Magno, Eumir Marcial at Carlo Paalam pati na rin ang golfers na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.


Matatandaang sina Judoka Kiyomi Watanabe at Marcial ang naging flag bearer ng bansa noong opening ceremony ng Tokyo Olympics noong Hulyo 23.

Facebook Comments