Kasabay ng paggunita ng araw ng paggawa sa Miyekrules, May 1 hihirit ang ilang labor group ng higit P700 dagdag-sahod para sa mga manggagawa.
Bukas ng umaga, maghahain ng wage Increase Petition ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay, hihilingin nila sa NCR wage board na dagdagan ng P710 ang kasalukuyang arawang sahod ng mga manggagawa.
Kung magkataon, aabot na sa mahigit P1,000 ang magiging sahod ng mga ordinaryong manggagawa kada araw.
Katwiran ni Tanjusay, dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo nasa P315 na lang ang value o halaga ng minimum wage sa Metro Manila na P537.
Samantala dagdag na P750 naman ang ihihirit ng Kilusang Mayo Uno.
Ayon kay Elmer Labog, sapat ito para sa pamilyang may limang miyembro.
Igigiit din ng grupo na gawing pare-pareho ang sahod ng lahat ng mga manggagawa sa buong bansa at hindi regionalized.
Samantala, inihahanda na ng KMU ang “dutertemonyo” effigy ni Pangulong Duterte para sa isasagawa nitong kilos protesta sa labor day.
Kahapon, matatandaang naglabas ng ”anti-worker matrix” ang grupo kung saan makikita ang larawan ng anila’y mga nagpapahirap sa kalagayan ng mga manggagawang Pinoy.