See-through shorts and shirts, fashion trend ngayon sa Los Angeles

Manila, Philippines – Fashion trend ngayon sa Los Angeles ang isang kakaibang attire para sa mga lalaki – ang see-through lace shorts and shirts ng Hologram City.

Katunayan, ginamit lang ang nasabing menswear para sa isang music video pero nang pag-usapan sa social media ay naisipan nilang magbenta nito on line.

Gawa sa floral lace ang mga damit at hindi ito ginamitan ng opaque fabric underlay kaya naman kitang-kita ang damit panloob ng sinumang magsusuot nito.


Available ang lace shirts and shorts sa iba’t ibang kulay gaya ng green, pink, blue, purple at yellow na mabibili sa halagang P2,400 kada terno.

Sa June 15 ila-launch ang nasabing damit.
DZXL558

Facebook Comments