HIGIT TATLUMPONG TIMBANGAN SA DAGUPAN CITY, NAKUMPISKA

Umabot na sa mahigit tatlumpung mga madadayang timbangan ang nakumpiska ng Task Force Anti-Littering sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City sa unang buwan pa lamang ng taon.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Task Force Anti-Littering Team Leader Carlos Galvez, mas pinaiigting ang inspeksyon at monitoring bagamat hindi sinasabi ang schedule upang hindi ito mapaghandaan ng mga may tinderang may madadayang timbangan.
Kadalasang na-irereklamo ito ng mga konsyumer sa hindi patas na kalakalan na agad namang tinutugunan ng tanggapan.

Wala rin umanong warning o offense sakaling napatunayang madaya ang timbangan subalit kukumpiskahin na ito agad para sa tamang disposisyon.
Samantala, simula 2022, nasa mahigit tatlong daan na ang nakumpiskang mga madayang timbangan at kasalukuyang nakalagay sa motorpool, sa Bonuan Binloc. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments