MABABANG PRESYO NG ILANG GULAY, INAAASAHANG MARARANASAN NA MULI

Ikinatuwa ng ilang Dagupeños ang bumabang presyo ng ilang mga gulay ngayon sa mga palengke.

Bumagsak na ang presyuhan sa pulang sili na kung dati ay umabot sa P1000 ang per kilo, ngayon, naglalaro na ito sa P300 hanggang P500, habang ang berdeng sili, mula P300 hanggang P400, ngayon ay may nabibili nang P60 to P100 sa kada kilo.

Ang kamatis, mula sa P160 to P200, nasa P50 hanggang P100 ang kada kilo.

Bagamat nananatili pa rin itong mataas, doble na ang ibinaba ng ilan kung ikukumpara sa presyuhan nakaraang ilang linggo at buwan.

Samantala, ang mga tindera sa Dagupan City, umaasang makakabawi ang mga ito mula sa pagkatumal na bentahan ngayong unti-unti nang nararanasan ang bumabang presyo ng mga gulay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments