PRESYO NG MANOK SA DAGUPAN CITY, TUMAAS DAHIL UMANO SA MALAMIG NA PANAHON

Muling tumaas ang presyuhan ng manok sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Sa ngayon, naglalaro ang kada kilo ng produkto sa P190 hanggang P200 mula sa P180 na dating presyuhan nito.
Ayon sa supplier ng karne na nakapanayam ng IFM News Dagupan, ngayong nararanasan ang malamig na panahon, naapektuhan ang paglaki ng mga manok maging ng mga itlog.

Dagdag niya, inaasahan na magtatagal ang taas presyo ng Pebrero hanggang Marso, hanggang nananatili ang malamig na panahon.
Samantala, Nakitaan naman ng pagkakaroon ng oversupply sa Itlog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments