Umabot na sa 8,412 na pamilya sa Ilocos Region ang nakatanggap ng Educational Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ang nasabing bilang ay base datos ng DSWD Field Office 1 kung saan umabot sa PHP35.2 milyon ang kabuuang pondong naibigay na para sa educational aid nito lamang Huwebes, unang araw ng Setyembre.
Samantala, 1,531 na benepisyaryo sa Ilocos Norte ang nakatanggap na, 1,798 mula sa Ilocos Sur, 3,242 naman sa lalawigan ng La Union, at 1,841 naman sa Pangasinan.
Nauna nang sinabi ni DSWD Assistant Director Marlene Febes Peralta na tinutulungan ng local government units (LGUs) ang ahensya sa pagtukoy ng mga benepisyaryo at pagsuri sa mga dokumentong isinumite ng mga aplikante, gayundin sa pagsasagawa ng initial assessment.
Paalala naman ng mga opisyal ng ahensya, makipag-ugnayan sa mga LGUs o sa mga pinakamalapit na Satellite Offices ng DSWD kung sakaling kasama sa listahan ng mga mabibigyan ng naturang educational Assistance. | ifmnews
Facebook Comments