HIGIT 500 NURSES BALAK I-HIRE NG DOH-CHD1

Sa pagpapatuloy ng pagpapalakas sa COVID-19 vaccination ng Region 1, nakatakdang mag-hire ng 500 nurses ang Department of Health-Center for Health Development.
Ayon kay DOH-CHD1 Regional Director, Dra. Paula Paz Sydiongco, ang 250 nurses ay itatalaga sa Pangasinan at ang ilan ay para sa La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Naglaan ng 111 milyon ang kagawaran para sa karagdagang nurses sa rehiyon.

Itatalagang contract of service ang mga nurses na makukuha.
Sa datos ng DOH-CHD1, 3. 8 milyong residente na nito ang naka kumpleto na ng dalawang doses at 1. 1 milyon naman ang nakakuha ng first booster shot.
Matatandaan na inilunsad noong Hulyo ang Pinaslakas sa rehiyon upang mapaigting ang pagbabakuna ng booster shot sa mga residente. | ifmnews
Facebook Comments