Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 3,500 pulis ang ipakakalat sa mga sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar – mas mataas ito kumpara sa mahigit 3,200 pulis na mag-o-on field para sa Oplan ‘Ligtas Undas 2018’
Sinabi ni Eleazar – kailangang sundin ang ilang precautionary measures sa iba’t-ibang areas of interest kabilang na ang 81 sementeryo at 30 kolumbarya sa Metro Manila, terminal, himpilan ng tren, paliparan at pantalan.
Ang deployment ay magsisimula sa Miyerkules October 31 at magtatapos sa Biyernes, November 02.
Katuwang ng NCRPO ang AFP, MMDA, Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Units (LGUs) at iba pang volunteer groups.
Facebook Comments