HIGPIT SEGURIDAD | BI, magdadagdag ng tauhan

Magdadagdag ng tauhan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa bansa bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon kay Immigration Port Operations Division Chief Grifton Medina, labing siyam na immigration officers ang idadagdag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang tatlumput pitong (37) iba pa ay ipapadala naman sa Clark, Mactan, Kalibo at Davao.

Aniya, napadalhan na ng travel orders ang mga empleyado at ide-deploy na ang mga ito ngayong linggo.


Sabi ni Medina, ang mga naturang immigration officers ay magbibigay ng ayuda sa libu-libong international passengers na inaasahang darating sa bansa ngayong holiday break.

Trabaho rin aniya ng mga ito na tiyaking hindi makakapasok sa bansa ang human traffickers at iba pang sindikato maging ang mga terorista na inaasahang magsasamantala sa holiday season.

Facebook Comments