LIBEL CASE | Trillanes, kailangang maghain ng mosyon para payagang makapag-abroad – DOJ

Kailangan pa ring maghain ng mosyon si Senator Antonio Trillanes IV sa Davao Regional Trial Court para makabyahe sa ibang bansa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi garantiya ang pagpiyansa ni Trillanes para mapagbigyan ang hirit niya na makabiyahe sa ibang bansa.

Aniya, nakadepende pa rin sa Davao RTC kung maglalabas sila ng Hold Departure Order (HDO) para harangin si Trillanes.


Sabi pa ng kalihim, binigyan nila ng limang araw si Trillanes para maghain kung bakit kailangan siyang payagan ng korte na makabiyahe sa ibang bansa.

Mababatid na ngayong araw ang nakatakdang biyahe ni Trillanes sa Europe para dumalo sa ilang aktibidad.

Facebook Comments