Cebu – Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang mga otoridad sa loob ng Cebu City Jail.
Walang natagpuang anumang iligal na droga pero nakumpiska naman ang ilang pakete ng sigarilyo, mga cellphone, at patalim sa nasabing piitan.
Ayon sa pamunuan ng Cebu City Jail, nadiskubre na nila ang iba’t-ibang paraan ng pagpapasok ng iligal na droga sa kulungan kaya naman wala silang narekober na shabu o marijuana.
Pero sa ngayon, diskarte ng mga preso na sisigaw at bibili ng yosi kung saan ihahagis ang bayad at pagkatapos ay itatali ang pakete ng sigarilyo na kanilang hinihila papasok mula sa bakod ng kulungan.
Aminado din ang Cebu City Jail na kaya nakakapagpasok ng iba’t-ibang kontrabando ang mga bilanggo sa labas ay dahil hindi 24/7 ang pagiikot ng mga jail guard sa perimeter fence.