WINASAK | Mahigit limang milyong halaga ng marijuana, sinira sa Kalinga

Tinglayan, Kalinga – Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) at provincial police ang nasa P5.08 milyong halaga ng tanim ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga.

Aabot sa 23,500 na mga tanim na marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa 2,720 square meters na lupa sa Barangay Buscalan.

Habang 1,550 naman na mga tanim ng marijuana at 1,800 marijuana seedlings ang nagmula sa 607 square meters na lupa sa Barangay Bugnay.


Ang nasabing operasyon ay kasunod ng P17 milyong halaga ng marijuana na nakumpiska at sinira rin na nagmula sa Tinglayan, Kalinga.

Facebook Comments