Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na ligtas ang mga pasahero sa anumang kapahamakan sa mga masasamang elemento dahil makakasama ng mga pasahero ang K9 Unit, sea marshal at PNP sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat. Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo, inalerto na nila ang puwersa ng Philippine Coast Guard upang bantayan ang lahat ng pantalan sa bansa na inaasahamg dadagsain ng mga bakasyunista at torista na magtutungo sa mga ibat ibang probinsya ngayong Semana Santa. Paliwanag ni Balilo maghihigpit na ang PCG sa mga sasakyang pandagat partikular sa pantalan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero habang pumapalaot patungo kanilang ng lalawigan. Giit ni Balilo na tiyakin nila na walang overload at kumpleto sa mga life jacket at iba pang pang emergency equipment at higit sa lahat ang kundisyon ng makina ng mga sasakyan pandagat. Pinaalalahanan din ng PCG ang mga pasahero na maagang magtungo sa mga pantalan para hindi maabala ng husto dahil sa inaasahan ng mahaba ang pila sa isasagawang mano-manong pag-iinspeksyon ng mga bagahe.
HIGPIT SEGURIDAD | Philippine Coast Guard, magsasama ng mga sea marshal, K9 Unit at PNP sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat ngayong Semana Santa
Facebook Comments