BUKING | Mga fans ng LizQuen, kinilig sa naging sagot ng aktres sa tunay na estado ng kanilang relasyon

Showbiz – Kinilig na naman ang mga fans ng LizQuen, matapos na muntik nang madulas si Liza Soberano sa tunay na estado ng kanilang relasyon ng ka-loveteam na si Enrique Gil. Sa isang Press Conference, muntikan na niyang masagot ng ‘oo’ nang tanungin ito kung taken na ba ang lahat ng kasama nito sa pinagbibidahang fantaserye. Kinumpirma naman ni Enrique, na nasa relasyon na ang lahat sa kanila maliban kay Sofia Andres. Pero sa huli, nilinaw rin ng aktor na ayon lang sa kanyang pananaw ang kanyang sagot. Samantala, pumanaw na ang Aktor na si Rolly Quizon na anak ng yumaong Comdey King na si Dolphy. Matatandaan na March 9 nang ma-commatose si Rolly habang nasa isang supermarket kung saan sumailaim ito sa operasyon pero makalipas ang halos isang linggo ay namatay na din ito. Nag-umpisang makilala si Rolly noong 1973 sa edad na 14-anyos sa sitcom na “John En Marsha” na pinagbidahan ng kanyang ama at ni Nida Blanca.

Facebook Comments