DAGDAG PWERSA | AFP, PNP – naka-alerto sa Bicol Region

Nagdagdag na ng mga pulis sa Bicol Region kasunod ng pagtataas nila ng alerto bunsod ng sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Region 5 Police Director Chief Superintendent Arnel Escobal, isang himpilan ng pulisya, isang kampo ng CAFGU, dalawang mobile force company ang inatake ng rebeldeng grupo.

Aniya, inatake ng mga ito ang Magallanes Police Station at ang provincial mobile force company sa Sorgoson at ang regional mobile force battalion sa Camarines Sur.


Sa ngayon ay nakakalat na ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) para tugisin ang mga rebelde at pigilan ang plano nilang muling pag-atake ng NPA.

Facebook Comments