IPAPAARESTO | Pangulong Duterte, ipinag-utos ang nationwide crackdown ng mga colorum na bus

88

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide crackdown ng mga colorum na bus na ilegal na nag-ooperate sa bansa.

Ito ay kasunod nang aksidente sa Occidental Mindoro na ikinasawi ng 19 na tao.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa 16th founding anniversary of the supreme tribal council for peace and development, sinabi nito na ipapaaresto niya ang lahat ng operator at driver ng mga colorum na bus.

Giit pa ng Pangulo, kung papalag o manlalaban at malalagay sa peligro ang buhay ng mga pulis ay barilin nila ang mga ito.

Una naman ipinag-utos ng Pangulo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tuluyang kanselahin ang prangkisa ng Dimple Star Bus Company.
Personal naman nakiramay ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga namatay.

Facebook Comments