Hiling na furlough ni dating Senator Jinggoy Estrada para makadalo sa kaarawan ng ama, hinaharang sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Hinaharang ng Ombudsman ang hiling ni dating Senator
Jinggoy Estrada na payagan siyang pumunta sa 80th birthday celebration ng
amang si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa 7-pahinang oposisyon, sinabi ng prosekusyon na wala namang isinumiteng
patunay ang dating senador na magdiriwang talaga ng kaarawan si Mayor Erap
sa darating na April 19.

Humirit ng furlough si Estrada sa Sandiganbayan 5th division simula April
18 hanggang April 19 para makalahok sa preparasyon para sa kaawarawan ng
ama.


Pero iginiit ng prosekusyon na sa kasalukuyang sitwasyon ni Estrada at sa
ilalim ng umiiral na batas ay hindi pinapayagan ang kahalintulad na request.

Lilikha ito ng masamang impresyon sa publiko na dahil dating mataas na
opisyal ang akusado ay pinapaboran ito.

Tinukoy din ng prosekusyon ang naunang rulings ng korte kung saan
tinanggihan ang hiling na furlough ni Estrada para dumalo sa kaarawan ng
inang si dating Senador Loi Ejercito Estrada.

Nation”

Facebook Comments