Hiling na pagpapaliban ng Barangay eleksyon, hindi agad maaaksyunan ng Kongreso

Manila, Philippines – Malabo na madesisyunan agad ng Kongreso ang isinusulong na pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda sa Oktubre.

Ito ang tugon ni Senator Chiz Escudero sa hiling ng Commission on Elections o COMELEC sa mga mambabatas na agarang magpasya kaugnay sa Barangay at SK elections.

Katwiran ng COMELEC, magsisimula na itong mag-imprenta ng official ballot sa July 24.


Paliwanag naman ni Senator Escudero, naka-recess pa ang sesyon ng Kongreso na magbabalik sa huling linggo ng July kaya hindi pa sila makakapagpasa ng mga panukala.

Facebook Comments