Hillary Clinton, Panalo Sa Bayan Ng New Hamphire

3

UNITED STATES – Panalo si Democratic Standard Bearer Hillary Clinton sa bayan ng Dixville Notch, New Hampshire.Pagpatak ng hatinggabi (1:00 p.m. oras sa Pilipinas), nagsagawa ng midnight voting ang Dixville Notch na hudyat ng pagsisimula ng election day sa Amerika.Walong mga botante lamang ang bumoto kung saan nakakuha ng apat na boto si Clinton habang dalawang boto naman ang nakuha ng katunggali nitong si Republican Standard Bearer Donald Trump.Ang New Hampshire ay isa sa mga battleground state na pinag-aagawan nina Clinton at Trump.

Facebook Comments