Thursday, April 16, 2026

Loan moratorium para sa magsasaka at mangingisda, ilulunsad ng DA-ACPC sa gitna ng energy crisis

Magpapatupad ng loan moratorium para sa mga magsasaka at mangingisda sa harap ng nararanasang energy crisis at patuloy na pagtaas ng production cost.

Sa inilabas na Department of Agriculture (DA) Administrative Order No. 2, inaatasan ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na suspendihin ng hanggang isang taon ang mga kasalukuyan at outstanding loans ng mga magsasaka at mangingisda.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng malawakang interbensyon upang maibsan ang pasanin ng sektor ng agrikultura dahil sa tumataas na gastos sa produksyon bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Layunin ng hakbang na mapanatili ang pagpapatuloy ng mga gawaing pang-agrikultura sa kanayunan at matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa.

Nakatakdang maglabas ng guidelines ang DA-ACPC at nakikipag-ugnayan na rin sa mga partner lending conduits upang masiguro ang mabilis na implementasyon ng loan moratorium sa buong bansa.

Facebook Comments