HINAHANAP NA | Nagpapakalat ng fake news tungkol sa pagtaas ng krimen sa bansa, tinutukoy na ng PNP

Manila, Philippines – Tini-trace na ng PNP ang mga nagpapakalat ng fake news kaugnay sa pagtaas ng insidente ng krimen sa bansa.

Ayon Kay PNP Spokesman Ssupt Benigno Durana, vinerify nila ang mga kumakalat na mensahe sa text at social media tungkol sa mga umano’y panghohold-up sa mga restaurants at ang tatlong binabanggit na insidente ay pawang walang katotohanan.

Ayon kay Durana, nakapadaling magpakalat ng fake news ng sinumang may access sa social media, at hindi Lang ito problema sa Pilipinas kundi sa buong mundo.


Kaya aniya kasabay ng paglaban sa krimen ng PNP, nilalabanan din nila ang fake news sa pamamagitan ng pagiging transparent sa paglalabas ng makatotohanang impormasyon.

Siniguro pa ng tagapagsalita ng PNP na may kakayahan ang PNP na i-track down ang mga nagpapakalat ng fake news laban sa PNP, at pananagutin ang mga ito.

Facebook Comments