Naniniwala ang pamunuan ng San Juan City Government hindi na dapat maulit ang nangyaring pang-hohostage ng security guard na si Archie Paray sa mahigit 70 katao sa loob ng Administration Office ng Vira Mall sa Greenhills San Juan City.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora bagamat patung-patong na kaso ang kakaharapin ni Paray, iimbestigahan pa rin nila ang ibinunyag na umanoy katiwalian ng kanyang Security Agency at mga opisyal kung saan una ng humingi ng public apology ang anim na mga opisyal ng Sascor Security Agency kabilang ang nabaril nito sa tiyan na si Ronald Deleta na supervisor ng Sascor Security Agency.
Paliwanag naman ni Zamora sa mga kritiko kung bakit hinayaang magsalita ang hostage taker dahil nais lamang umano iparamdam ng Alkalde kay Paraya na tapat ang San Juan City Government sa kanilang mga kasunduan at dapat mailabas din ang mga hinaing ni Paray laban sa Shopping Center at Sascor Security Agency.
Giit ng alkalde kung mayruong usapan ay dapat tuparin sa pagitan ng hostage taker at crisis management committee dahil napakadelikado umano nito dahil may bitbit na granada ang suspek.
Pag-aaralan naman ng pamunuan ng V-Mall ang mga paratang ni Paray na tumatanggap umano ng lagay ang Security Agency sa mga tenants.