HINDI BABAWIIN │ Alok ng DOJ na pagsasailalim sa WPP kay Ralph Trangia, mananatili pa rin

Manila, Philippines – Nananatili pa rin ang alok ng Dept. of Justice na pagsasailalim sa Witness Protection Program kay hazing suspect Ralph Trangia.

Kinumpirma ito ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagamat tahimik pa rin si Trangia sa alok na proteksyon ng DOJ.

Isang linggo na ngayong araw mula nang bumalik sa bansa si Trangia pero wala pa itong tugon sa alok na pagsasailalim sa kanya sa WPP.


UNA bang Nilinaw ni Aguirre na ang pagsasailalim kay Trangia sa WPP ay depende pa rin sa magiging laman ng testimonya nito hinggil sa kanyang nalalaman sa pagkamatay sa hazing ni UST Law student Horacio Castillo III.

Ang batang Trangia at ang mga magulang nitong sina Rosemarie at Antonio ay kabilang sa mga kinasuhan ng Manila Police District sa Dept. Of Justice kaugnay ng pagkamatay ni Atio.

Facebook Comments