Kapitan ng Lambayong patay sa Shariff Saidona Mustapha

Dead on the spot ang dalawa kataong sakay ng motorsiklo matapos tambangan sa Linantangan Road sa bayan ng Shariff Saidona Mustapha pasado ala una ng hapon noong linggo.

Sa panayam ng Straigth to the Point Aftenoon Edition kay SSM Chief of Police SPO4 Tha Mamalapat Mama kinilala nito ang mga nasawi na sina Tumiao Barangay Chairman Alexander Villanueva 52 anyos at Tayno Sampigat 55 anyos ng Lambayong Sultan Kudarat.

Sakay ng XRM Motorcycle ang dalawa ng pagbabarilin ng di nakilalang mga salarin. Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa motibo ng pamamaslang sa kapitan.


Facebook Comments