Manila, Philippines – Pinawi nina Senate President Tito Sotto III at Senator Koko Pimentel ang pangamba na hahantong sa Martial Law ang magkakasunod na pagpatay kina Tanauan Mayor Antonio Halili, General Tinio Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan.
Paliwanag ni Sotto, walang dahilan para magdeklara ng Martial Law dahil hindi naman bago ang insidente ng pagpatay sa mga lokal na opisyal.
Mahirap din, ayon kay sotto na lahat na lang ng nangyayari ngayon ay ituturo sa leader ng bansa.
Giit naman ni Senator Pimentel, huwag paniwalaan ang mga hinala na magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa buong bansa.
Diin ni Pimentel, pawang pamumulitika at pang-iintriga lamang ang babalang deklarasyon ng Martial Law.