Hindi kinikilala ng pamahalaan ang Taiwan bilang Sovereign State — DFA

Binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kinikilala ng pamahalaan ang Taiwan bilang sovereign state.

Ayon kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, ang isyu ng Taiwan ay ipinauubaya na ng Pilipinas sa mga Chinese para resolbahin ito.

Ipinaliwanag ng kalihim na nananatiling committed ang Pilipinas Sa One China Policy.

Samantala, sinabi rin ni Lazaro na ang 1975 Joint Communique ng Pilipinas at China ang pundasyon ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

Facebook Comments