HINDI LEHITIMO | Pangulong Duterte, dumipensa sa utos niyang i-ban ang Rappler reporter sa Malacañan complex

Manila, Philippines – Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa utos niyang pagbawalan ang Rappler reporter na si Pia Ranada na pumasok sa Malacañan complex.

Ayon sa Pangulo, hindi na isang lehitimong korporasyon ang Rappler matapos bawiin ng Security Exchange Commission o SEC ang lisensya nito.

Muli ring iginiit ng Pangulo na baka pinopondohan ng Central Intelligence Agency o CIA ng Amerika ang Rappler.


Matatandaang nitong Martes nang hindi na pinpasok si Ranada sa Malacañan at pagbawalang i-cover ang lahat ng event ng Pangulo.

Facebook Comments