HINDI MAKATARUNGAN? | Maluhong Christmas party ng PCSO, binira ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Kinondena ni Senator Panfilo Ping Lacson ang paggastos ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P6 milyon sa kanilang Christmas party.

Giit ni Lacson, hindi makatarungan ang nasabing paggasots ng PCSO sa party kahit pa sabihing ito ay legal.

Diin ni Lacson, ang PCSO ay isa sa tanging ahensya ng gobyerno na ang mandato ay magbigay ng tulong sa mga mahihirap.


Kung tutuusin, ayon kay Lacson, marami nang gamot na mabibili at marami nang mahihirap na matutulungan ang P6 na milyon piso na ibinuhos lang sa party.

Facebook Comments