Manila, Philippines – Dumistansya ang Malacañang sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ng “zero budget” ang mga pulitiko na hindi susuporta sa federalismo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa gawain ng kongreso.
Aniya, independent ang kongreso at nirerespeto nila ang panananaw ni Alvarez.
Gayunman, iginiit ni Roque na duda siya na hindi makakatanggap ng pondo ang mga Local Government Units na hindi susunod sa gusto ng lider ng kamara.
Facebook Comments