Bagong DepEd ARMM secretary kinalendaryo na mga gagawin sa 2018

Sumabak kaagad na kaliwat-kanang meeting si bagong talagang DepEd ARMM Secretary Atty.Rasol Mitmug para ikalendaryo ang mga plano para sa taong 2018…
Sa panayam sa kanya ng DXMY RMN Cotabato sinabi nito na pinulong niya ang mga department heads at bureau heads upang pag-usapan ang mga gagawin sa 2018-2019 school year… Sa ngayon kasi nasa dalawang buwan na lang mahigit ay magbabakasyun na at papalapit narin ang palarong ARMMA na gagawin sa susunod na buwan sa North Upi Maguindanao… Nasa ikalawang linggo pa lang si Sec.Mitmug sa pagpapaakbo ng mahigit 23,000 na guro at staff ng DepEd ARMM.

Facebook Comments