HINDI NA BAGO | Bubuuing resistance coalition ng oposisyon, welcome sa Administrasyon

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang planong pagbuo ng Liberal Party ng Resistance coalition para sa 2019 Midterm Election.

Ito ang sinabi ni Panelo sa harap narin ng pahayag ni Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan na kailangang magkaroon ng malakas na oposisyon para matiyak na patuloy na aandar ang demokrasya sa bansa.

Ayon kay Panelo, matagal na nilang kinokontra ang administrasyon at wala nang bago dito, ang magagawa lang aniya ng mga taga-oposisyon ay subukan pero tiyak naman aniyang hindi ito magtatagumpay.


Pero welcome pa rin naman aniya ito sa administrasyon dahil malaya naman aniya itong gawin ng anomang grupo base na Mrin sa itinatakda ng saligang batas.

Facebook Comments